Lyrics : Alamat – Hala

Alamat - Pasulong Album - Hala

Listen to “Hala” by Alamat while you read or sing along to the lyrics

  • Date/Year of Release: October 28, 2022
  • Album: Pasulong
  • Artist: Alamat
  • Genre(s): Pop, P-Pop, Pinoy Pop, Alternative

Sama-sama aagos nang pasulong
Aarangkada anumang lagay ng panahon
Sari-sari ang maaaring manghahamon
Ako’y mananatili, hindi magpapalupig sa iyo
(Alamat, handa ‘rap)

Sa bawat araw na hinarap ang pagsubok
Nagniningas ako’t patuloy sumusugod
Nananalangin ka nang masidlak ako
Ika’y nananaksak, humalakhak ‘pag ako’y nagdurugo
Nakakarindi at paulit-ulit ang pangungutya mo’t pagmamaliit
‘Wag kang magulo, ‘wag kang makulit
Masyado ka nang malupit
Ilang taon din ang pagtitiis
Sa mga bulong na mapang-alipin
‘Di mapipigtal itong aking dangal
At magpapatuloy akong magniningning

Nadarama ko ang pangmamata mo
Ang paglait mo sa bawat galaw ko
Subalit para sa kaalaman mo, hindi ako palulumpo

At kahit madapa, laksa-laksa ang pagdududa
Hindi humuhumpay ang daloy ng mga problema
Padayon lang ang pagliyab
Nag-iisip kung susuwag kaluluwa, raragasa
Pagbilang ng tatlo, nakatago na kayo

Hala
Hala
Hala, hala, hala ka
Hala
Hala, hala, hala ka
Masakit ba na makita (Hala)
Ang tagumpay ko sa kabila? (Hala)
Nang matatalim mong salita (Hala)
Tumabi ka d’yan baka masagasaan

Puro na lang alingogngog nga murag
Mga banaw na gatingogtingog
Hoy, dong, palihog kung buot pa sibog
Murag gadaghandagha namo sa akoa nagpaalibot
Adu adu pay iti bara, lapayag ti agdara
Uray maysa awan iti tumagos iti kararwak
Karapat-dapat, dayta aya ti dinawat?

Alamat - Pasulong Album - Hala

StreamLINE Latest Articles

Average Rating

5 Star
0%
4 Star
0%
3 Star
0%
2 Star
0%
1 Star
0%

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.